Senado ng Pilipinas
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Senado ng Pilipinas ay ang mataas na kapulungan sa dalawang kamara ng tagapagbatas ng Pilipinas, ang Kongreso ng Pilipinas. Hindi katulad ng Senado ng Estados Unidos, binubuo ang Senado ng Pilipinas ng 24 mga senador na hindi kinakatawan ang kahit anong partikular na distritong pang-heograpiya.
Nagsisilbi ang mga senador sa 6-taong termino, kasama ang kalahati ng mga senador na hinahalal sa bawat 3 taon. Sa ganitong paraan, isang katawang nagpapatuloy ang Senado. Nang mabalik ang Senado ng Konstitusyon ng 1987, nahalal ang 24 mga senador noong 1987 at nagsilbi hanggang 1992. Noong 1992, ang mga kandidato nagkamit ng 12 pinakamataas na bilang ng mga boto ang naglingkod hanggang 1998, habang hanggang 1995 lamang ang sumunod na 12. Simula noon, nahahalal ang bawat senador sa buong termino na 6 na taon.
Ang Senado lamang ang kinatawan na may kapangyarihang isabatas ang mga kasunduan.