Singapore
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Republika ng Singapore (bigkas /sing·ga·pór/, sa Tsino 新加坡共和国, Xīnjīapō Gònghégúo; sa Malay Republik Singapura; sa Tamil சிங்கப்பூர், Cingkappūrā Kudiyaracu), ay isang isla, syudad-estado, na matatagpuan sa Timog-silangang Asya, sa timog ng estado ng Johor sa Peninsular Malaysia at hilaga ng mga islang Riau ng Indonesia.
|
||||
Pambansang moto: Majulah Singapura (Malay: Sulong, Singapore) |
||||
Mga Wikang opisyal | Ingles, Tsino, Malay at Tamil |
|||
Pambansang wika | Malay | |||
Kabisera | Singapore | |||
Presidente | Sellapan Rama Nathan | |||
Primer Ministro | Lee Hsien Loong | |||
Sukat - Total - % tubig |
Pwesto ika-174 692,7 km² 1,444% |
|||
Populasyon - Total (Hulyo 2003) - Densidad |
Pwesto ika-115 4.608.595 6751/km² |
|||
Kasarinlan - Petsa |
Mula sa Malaysia Agosto 9, 1965 |
|||
Pera | Dolyar ng Singapore (S$, SGD) | |||
Oraryo | UTC +8 | |||
Pambansang awit | Majulah Singapura | |||
ccTLD | .SG | |||
Kodigo ng telepono | 65 | |||
Myembro ng: UN, ASEAN, Commonwealth of Nations, APEC |
Mga nilalaman |
[baguhin] Kasaysayan
Pangunahing artikulo: Kasaysayan ng Singapore
Ang isla ay dating tinatawag na Tumasek at bininyagan ni Prinsipe Parameswara sa pangalang Singapura, nangangahulugang “lungsod (pura) ng leon (singa)” noong ika-16 siglo.
Noong 1819, napunta sa kontrol ni Thomas Stamford Raffles ang lungsod para hadlangan ang dominasyong komersyal ng mga Olandes sa rehiyon. Noong 1826, ang mga kolonya ng istretso ay binubuo ng Singapore, Malaka at Penang.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig naman, mula Pebrero 15, 1942, napasailalim ang pulo sa Imperyong Hapon,
Pagkatapos ng digmaan, napiling primer ministro si Lee Kuan Yew. Ang kanyang partido na People's Action Party ay nagmungkahi para sa integrasyon nito sa pederasyon ng Malaysia, at napabilang ito sa Malaysia hanggang Setyembre ng taong 1963. Taong 1964, pinahayag ang kagustuhan nitong humiwalay dahil sa mga pagkakaiba at noong Agosto 9, 1965 pinroklama ang kasarinlan ng Republika ng Singapore.
[baguhin] Politika
Pangunahing artikulo: Politika sa Singapore
Ang parlamentarismong ingles ang nagbigay-diwa sa konstitusyon ng Singapore. Ang People's Action Party (Partido ng Aksyong Popular) ang nagdo-domina sa pulitika ng bansa pagkatapos ng pagpapahayag ng kasarinlan. Ang sistema ng gobyerno ay mas hawig sa autoritarianismo kaysa sa isang demokrasya multipartidista.
Subalit, sa kabaligtaran, masasabing isang modelo ng transparency ang market economy ng Singapore at halos walang katiwalian o korupsyong nangyayari sa gobyerno. Ang Singapore ay isang myembro ng ASEAN.
Mga Primero ministro: Lee Kuan Yew, 1965-1990, Goh Chok Tong, 1990-2004, Lee Hsien Loong, (anak ni Lee Kuan Yew), mula Agosto 12, 2004.
[baguhin] Ekonomiya
Pangunahing artikulo: Ekonomiya ng Singapore
Ang Singapore ay nagtataglay ng isang ekonomiya ng merkado (market economy) na malaya at masagana at may open environment malaya sa katiwalian. Matatag ang kanyang pananalapi at ang GDP nito ay ang pinakamataas sa mundo. Nakadepende ang ekonomiya sa pag-export, partikular ang sa sektor ng elektroniko at industriya.
Noong 2001, ang recession sa buong mundo pati ang pagbagsak ng sektor ng teklonohiya ay nakaapekto sa ekonomiya ng bansa (ang GDP nito ay bumaba ng 2%). Ang epidemya ng SARS na nagsimula noong 2003 ay nakapagpabigat din dito.
[baguhin] Demograpiya
Pangunahing artikulo: Demograpiya ng Singapore
Pagkatapos ng Monaco, ang bansa ang may pinaka-densong populasyon sa mundo. 85% ng mga tao dito ay nakatira sa mga pampublikong tirahang tinatawag na HDB.
Markado ang pagkakaiba ng mga grupong etniko sa bansa: Ang pinakamarami ay ang mga Tsino na 76.8% ng populasyon, kasunod ang mga Malay 13.9%, ang mga indio (Indian) 7.9%, at ang natira ay mula sa iba't ibang bansa, lalo na yung mula sa kanluran.
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) | |
---|---|
Brunei | Cambodia | Indonesia | Laos | Malaysia | Myanmar | Pilipinas | Singapore | Thailand | Việtnam | Papua Bagong Ginea (Tagamasid) |
Mga bansa sa Timog-silangang Asya |
---|
Brunei | Cambodia | East Timor | Indonesia | Laos | Malaysia | Myanmar | The Philippines | Singapore | Thailand | Vietnam |