Teatro
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang teatro ay ang sangay ng gumaganap na sining na may kinalaman sa pag-arte ng mga kuwento sa harap ng mga nakikinig na ginagamit ang magkahalong salita, galaw, musika, sayaw, tunog at panooring kahangahanga -- tunay nga na isa o higit pa na sangkap ng ibang gumaganap na sining. Karagdagan pa sa mga pamantayang istilo ng diyalogo, kinukuha ng teatro ang iba pang anyo tulad ng opera, ballet, mime, klasikong sayaw ng mga Indyan, opera ng mga Instik at pantomine.