Lorenzo Ruiz
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Lorenzo Ruiz (c. 1600–Septyembre 29, 1637) ay isang notaryong Pilipino at santo ng Katolisismo. Ipinanganak siya sa Binondo, Maynila, Pilipinas sa mga Katolikong magulang. Natuto siyang mag-Tsino mula sa kanyang ama, habang sa kanyang ina naman siyang natutung mag-Tagalog. Ibineatipika si Ruiz sa Maynila noong Pebrero 18, 1981 ni Papa Juan Pablo II, na siya ring nagkanonisa sa kaniya noong Oktubre 18, 1987. Ang beatipikasyon ni Ruiz ang kauna-una sa labas ng Vatican. Siya rin ang kauna-unang santong Pilipino.