Lungsod ng Cavite
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Lokasyon | |
Mapa ng Cavite na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Cavite | |
Pamahalaan | |
Rehiyon | CALABARZON (Rehiyon IV-A) |
Lalawigan | Cavite |
Distrito | Unang distrito ng Cavite |
Mga barangay | 84 |
Kaurian ng kita: | Ikatlong uri ng lungsod; urbanisado, Bahaging lungsod, Nakakartang lungsod |
Alkalde | Bernardo S. Paredes |
Pagkatatag | May 6, 1571 |
Naging lungsod | September 7, 1940 |
Opisyal na websayt | http://www.cavitecity.gov.ph |
Mga pisikal na katangian | |
Lawak | 24.80 km² |
Populasyon | 103,936 (ayon sa 2003 talaang lokal) 4007/km² |
Mga coordinate | 14° 29' N, 120° 54' E |
Ang Lungsod ng Cavite ay isa sa tatlong lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ang Lungsod Cavite ay ang kabisera ng Lalawigan ng Cavite bago ito ilipat sa Lungsod ng Trece Martires noong 1954. Ang makasaysayang isla ng Corregidor at ang ibang batuhan at pulo sa bunganga ng Look Maynila ay napasasailalim sa pamumunong lokal ng Lungsod.
Matatagpuan ang lungsod 35 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Maynila. Ang bayan ng Noveleta ay nasa timog ng lungsod. Nasa isang hugis-kawit na tangway sa bandang hilaga ng lalawigan, pinaliligiran ang lungsod ng tatlong look, ang Look Maynila sa kanluran, ang Look ng Bacoor sa timog-silangan at ang Look Cañacao sa hilagang-silangan. Ang lungsod ay nahahati sa limang distrito: Dalahican, Santa Cruz, Caridad, San Antonio, and San Roque. Ang mga distritong ito ay nahahati pa sa walong (8) sona na may kabuuang walumpu't apat (84) na barangay. Ang Base Militar ng Sangley Point ay nasa lungsod at makikita sa pinakahilagang bahagi ng tangway. Nagsilbi itong base militar ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos, at ngayon ito ay ginagamit ng Hukbong Dagat ng Pilipinas at ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.
Ayon sa talaang bayan noong taong 2000, ang Lungsod ng Cavite ay may bilang ng 99,367 katao at may 21,342 pamilya.
Mga lungsod at bayan ng Cavite | |
Lungsod: | Lungsod ng Cavite | Lungsod ng Tagaytay | Lungsod ng Trece Martires |
Bayan: | Alfonso | Amadeo | Bacoor | Carmona | Dasmariñas | Gen. Mariano Alvarez | Gen. Emilio Aguinaldo | Gen. Trias | Imus | Indang | Kawit | Magallanes | Maragondon | Mendez | Naic | Noveleta | Rosario | Silang | Tanza | Ternate |