Mga lungsod ng Pilipinas
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang lungsod (minsan siyudad) ay isang dibisyon ng lokal na pamahalaan sa Pilipinas. Kapareho ang antas ng mga lungsod sa mga munisipalidad, ngunit sa ilalim ng Kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991, binigbigyan ang mga lungsod ng espesyal na pagturing sa malaking bahagi ng internal revenue allotment (IRA) na binubuong bahagi ng badget ng lungsod. Binubuo ng mga barangay ang mga lungsod, katulad ng mga munisipalidad, at pinamamahalan ng mga hinalal na mga opisyal katulad ng Alkalde bilang Lokal na Punong Tagapagpaganap, Pangalawang Alkalde, at mga konsehal gayon din ang mga hinirang na mga opisyal na pinamumunuan ang iba't ibang mga lokal na tanggapan sa ilalim nila.
Gumaganap ang ilang mga lungsod bilang malaya sa kanilang mga lalawigan at namumuno sa sarili nito. Inuuri ang mga ito bilang mga "nakakartang lungsod" (Ingles: chartered city). May mga sarili silang mga kinatawan sa Kongreso. Ang Lungsod ng Tagaytay at Lungsod ng Valenzuela ang mga halimbawa nito. Inuuri ang ilang sa mga chartered city bilang HUC, o Highly Urbanized City ("Lungsod na Mataas na Urbanisado"). Isa sa mga halimbawa nito ang Maynila, Lungsod Quezon at Lungsod ng Baguio. Ang "bahaging lungsod" (component city) ang ikalawang uri ng lungsod na kabahagi at nasasakupan ng isang lalawigan. Hindi nila tinatamasa ang pagsasarili at representasyon sa Kongreso bilang nakakartang lungsod. Umaasa sila sa pamahalaan ng lalawigang sumasakop sa kanila para sa suporta at representasyon. Ang Lungsod ng Tarlac sa lalawigan ng Tarlac, at Lungsod ng Palayan sa lalawigan ng Nueva Ecija, at Lungsod ng San Fernando sa lalawigan ng Pampanga ang ilan lamang sa mga halimbawa nito. Bagaman, may mga component city na tila malaya, katulad ng Lungsod ng Ormoc sa lalawigan ng Leyte at Lungsod ng Naga sa lalawigan ng Camarines Sur.
Ang Lungsod Quezon, sa Kalakhang Maynila ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas na may mahigit sa 2,000,000 mga residente. Isa ang Lungsod ng Davao sa mga pinakamalaking lungsod sa daigdig ayon sa lawak ng lupain, sinasakop ang mahigit sa 2,500 kilometro kuadrado.
Mayroong mga tatlong kalakhang lugar ang Pilipinas. Kalakhang Maynila ang pinakamalaking konurbasyon sa bansa. Binubuo ito ng lungsod ng Maynila at 16 karatig na mga lungsod at munisipalidad. Ikalawa ang Kalakhang Cebu sa lalawigan ng Cebu. Nakasentro sa Lungsod ng Cebu, ang lalawigang kapital at 8 na mga karatig na mga lungsod at munisipalidad. Ikatlo ang Kalakhang Naga sa lalawigan ng Camarines Sur. Binubuo ito ng Lungsod ng Naga at 14 na karatig nga munisipalidad kabilang ang lalawigang kapital, Pili.
Mga nilalaman |
[baguhin] Klasipikasyon
[baguhin] Klasipikasyon ng lungsod
Mga Lungsod na Mataas na Urbanisado (Ingles: Highly Urbanized Cities) - Mga lungsod na mayrong pinakamababang populasyon ng dalawandaan libong (200,000) katao, na sertipikado galing sa Pambansang Opisina ng Estadistika, at na may kasulukuyang kita na nasa limampung milyong piso (P50,000,000.00) o mas mataas, na naka-base sa mga konstanta na presyo ng 1991, na sertipikado ng opisina ng ingat-yamang panlungsod.
Mga Kinartang Lungsod (Ingles: Chartered Cities) - Mga lungsod na nakatatag ng isang batas ng Kongreso at ay tinatakbo bilang isang malayang pamahalaan kung saan mayrong alkakde bilang ehekutibo, isang bise-alkalde, isang Sangguniang Panlungsod, isang distritong kongresyonal at kinatawan sa bawat 250,000 katao, isang pwersang pulis, isang sagisag, at ang kapangyarihan ng pagkuha, pagbili, pagtanggap, paghawak, pagupa, pagentrega, at pagtapon ng mga aring real at personal para sa heneral na interes of ng lungsod, humatol ng pribadong ari-arian para sa pampublikong gamit (eminent domain), mag-kontrata at ma-kontrata, magsakdal at mag-ehersisyo ng lahat ng mga kapangyarihan na binigay sa lungsod ng Kongreso.
Mga Malayang Bahaging Lungsod (Ingles: Independent Component Cities) - Mga lungsod na kung saan ang kanilang mga karta ay bumabawal ng kanilang mga botante na bumoto para sa mga panlalawigang opisyales. Ang mga malayang bahaging lungsod ay dapat malaya ng lalawigan.
Mga Bahaging Lungsod (Ingles: Component Cities) - Ang mga lungsod na hindi kayang magtagpo ng mga pangangailangan sa taas ay dapat kinukundiserahan maging bahaging lungsod ng lalawigan kung saan ito ay nakalagay na naka-base sa heograpiya. Kung ang bahaging lungsod ay nakalagay sa loob ng mga hangganan ng dalawa o mas maraming lalawigan, ang lungsod na yun ay magiging bahagi ng lalawigan kung saan ito ay naging bayan noon.
Ang mga katuturan (sa Ingles) ay galing sa Pambansang Lupon sa Ugnayang Pang-Estadistika.
[baguhin] Klasipikasyon ng kita
Ang mga lungsod ay naka-uri bilang sa karaniwang taun-taong kita na naka-base sa nakaraang tatlong kalendaryong taon. [1]
- Unang klase - P250 milyon o pataas
- Ikalawang klase - P155 milyon o pataas pero mas mababa kay sa P250 milyon
- Ikatlong klase - P100 milyon o pataas pero mas mababa kay sa P155 milyon
- Ika-apat na klase - P70 milyon o pataas pero mas mababa kay sa P100 milyon
- Ikalimang klase - P35 milyon o pataas pero mas mababa kay sa P70 milyon
- Ika-anim na klase - P35 milyon o pababa
[baguhin] Tala ng mga lungsod
Noong Disyembre 2004, mayroong mga 117 lungsod sa Pilipinas
Tandaan: Nakatala ang mga malayang lungsod dito kasama ang mga lalawigan na dating kinabibilangan nila, katulad ng Lungsod ng Baguio in Benguet, Lungsod ng Zamboanga sa Zamboanga del Sur, Lungsod ng Angeles sa Pampanga, Lungsod ng Davao sa Davao del Sur, at Lungsod ng Naga sa Camarines Sur.
[baguhin] Malalaking mga lungsod
Sumusunod ang tala ng sampung malalaking mga lungsod sa bansa sang-ayon sa populasyon noong sensus ng taong 2000.
Hanay | Lungsod | Populasyon noong 2000 |
---|---|---|
1. | Lungsod Quezon | 2,173,831 |
2. | Maynila | 1,581,082 |
3. | Lunsod ng Kalookan | 1,177,604 |
4. | Lungsod ng Davao | 1,147,116 |
5. | Lungsod ng Cebu | 718,821 |
6. | Lungsod ng Zamboanga | 601,794 |
7. | Lungsod ng Las Piñas | 528,011 |
8. | Lungsod ng Pasig | 505,058 |
9. | Lungsod ng Valenzuela | 485,433 |
10. | Lungsod ng Antipolo | 470,866 |