Palarong Paralimpiko ng ASEAN 2005
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Ika-3 Palarong Paralimpiko ng ASEAN o 3rd ASEAN ParaGames ay ginanap sa pagtatapos ng Palaro ng Timog Silangang Asya taong 2005. Ang kaganapang pampalakasang ito ay para sa mga manlalaro na may kapansanan. Ginanap sa Lungsod ng Maynila mula Disyembre 14, 2005 hanggang Disyembre 20, 2005, ang palarong ito ay dinaluhan at nilahukan ng mga atleta na may kapansanan sa paglalakad, kapansanan sa paningin at ang may mga cerebral palsy mula sa labing-isang (11) bansa mula sa Timog-Silangang Asya. Ang mga seremonyang pagbubukas at pagsasara ay ginanap sa loob ng Intramuros, Lungsod ng Maynila, Pilipinas.
Mga nilalaman |
[baguhin] Talaan ng medalya
Posisyon | Nasyon | Ginto | Pilak | Tanso | Kabuuan |
---|---|---|---|---|---|
1 | Thailand | 139 | 64 | 28 | 231 |
2 | Vietnam | 80 | 36 | 22 | 138 |
3 | Malaysia | 75 | 40 | 26 | 141 |
4 | Indonesia | 30 | 26 | 20 | 76 |
5 | Myanmar | 29 | 12 | 4 | 45 |
6 | Pilipinas | 19 | 39 | 37 | 95 |
7 | Singapore | 15 | 9 | 9 | 33 |
8 | Brunei Darussalam | 7 | 5 | 5 | 17 |
9 | Cambodia | 0 | 3 | 2 | 5 |
10 | Lao People's Democratic Republic | 0 | 2 | 1 | 3 |
11 | Timor Leste | 0 | 0 | 0 | 0 |
Kabuuan | 394 | 236 | 154 | 784 |
[baguhin] Mga larangan ng palakasan
- Athletics
- Badminton
- Chess
- Goalball
- Judo
- Powerlifting
- Swimming
- Table tennis
- Wheelchair basketball
- Wheelchair tennis
[baguhin] Mga larangang pang-demonstrasyon
Ang mga sumusunod ay pang-demonstrasyon lamang (demonstration sports). Walang ibinibigay na medalya sa mga manlalarong nanalo sa mga larangang ito.
[baguhin] Mga kawing panlabas
Nasa wikang Ingles:
- Sailability
- International Access Class Association
- International Association For Disabled Sailing
- Asosasyon sa Paglalayag ng Pilipinas
- Philippine Sports Commission - National Sports Associations
- Pambansang Konseho sa Kapakanan ng mga may Kapansanan sa Pilipinas
- Opisyal na website ng 3rd ASEAN ParaGames
- Ika-9 na FESPIC Games, sa Kuala Lumpur, Malaysia 2006.