Iran
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Iran (Persian: ایران) ay isang Gitnang Silangang bansa na matatagpuan sa Timog-kanlurang Asya na pinapaligiran ng Azerbaijan, Armenia, at Turkmenistan sa Hilaga, Pakistan, at Afghanistan sa silangan, Turkey at Iraq sa kanluran. Bagaman sa lokalidad kilala ito bilang Iran simula noong panahon ng Achaemenian, tinutukoy ng mga Kanluraning Mundo ang bansang ito bilang Persia hanggang noong 1935. Noong 1959, ipinahayag ni Mohammad Reza Shah Pahlavi na maaaring gamitin ang parehong kataga. Noong 1979, isang rebolusyon na pinamunuan ni Ayatollah Khomeini sa kalaunan, ang nagtatag ng isang a teokratikong Republikang Islam at pinalitan ang pangalan ng bansa sa Ang Republikang Islamik ng Iran (جمهوری اسلامی ایران).
Mga bansa at teritoryo sa Gitnang Silangan |
---|
Bahrain | Cyprus | Egypt | Iran | Iraq | Israel | Jordan | Kuwait | Lebanon | Oman | Qatar | Saudi Arabia | Syria | Turkey | United Arab Emirates | Yemen |