Lungsod ng Mandaluyong
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Lokasyon | |
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ang lokasyon ng Mandaluyong | |
Pamahalaan | |
Rehiyon | Kalakhang Maynila (Pambansang Punong Rehiyon) |
Lalawigan | — |
Distrito | Nag-iisang Distrito ng Mandaluyong |
Mga barangay | 27 |
Kaurian ng kita: | Unang klase; urbanisado |
Alkalde | Neptali "Boyet" Gonzales II |
Pagkatatag | 1841 |
Naging lungsod | Pebrero 9, 1994 |
Opisyal na websayt | www.mandaluyong.gov.ph |
Mga pisikal na katangian | |
Lawak | 11.26 km² |
Populasyon | 278,474 24,731/km² |
Mga coordinate | 14°37'N 121°2'E |
Ang Mandaluyong ay isa sa mga lungsod at munisipalidad na bumubuo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Pinalilibutan ito ng kabisera ng bansa, ang Maynila, sa kanluran, ng bayan ng San Juan sa hilaga, ng Lungsod Quezon at Lungsod Pasig sa silangan, at ng Lungsod Makati sa timog. Sa ngayon, ito malawakang itinuturing bilang "Tiger City of the Philippines" (Tigreng Lungsod ng Pilipinas), "Metro Manila's Heart" (Puso ng Kalakhang Manila), at ang "Shopping Mall Capital of the Philippines" (Kabisera ng mga Shopping Mall ng Pilipinas).
Matatagpuan ang Lungsod Mandaluyong sa pinakasentro ng Kalakhang Maynila. Kabilang sa maraming atraksyon ng lungsod ang kanlurang hati ng Ortigas Center, isa sa mga pangunahing sentro ng negosyo at komersyo sa kalungsuran (nasa Lungsod Pasig ang silangang hati). Matatagpuan sa bahaging Mandaluyong ng Ortigas Center ang pangunahing punong-tanggapan ng Asian Development Bank at ng punong tanggapan ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking korporasyon ng bansa. Matatagpuan dito ang SM Megamall, isa sa pinakamalaking shopping mall sa Asya at ang pangunahing mall ng pinakamalaking shopping mall chain sa bansa, pati na rin ang Shangri-la Plaza Mall at Star Mall. Sa silangan ng Ortigas Center matatagpuan ang Wack-Wack Golf and Country Club, sa hilaga nito matatagpuan ang La Salle Greenhills (LSGH), isang tanyag na mataas na paaralang panlalaki. Ang estasyong Shaw Boulevard ng MRT na itinuturing ding isa ring mall, maliban na pagiging estayson, ay nagdurugtong ng tatlo pang mga mall (Star Mall, Shangri-La Plaza, at ang EDSA Central).
Sa mga nakatira dito, ang Lungsod ng Mandaluyong ay laging ginagamit sa mga biro tungkol sa pag-iisip ng isang tao (halimbawa: ang isang tao na may kahinahinalang katayuan ng pag-iisip ay mula sa Mandaluyong). Ito ay marahil ang National Center for Mental Health (Pambansang Senter ng Kalusugan ng Pag-iisip) ay matatagpuan sa lungsod. Matatagpuan din sa Mandaluyong ang "Welfareville", isang malaking squatter's area.
[baguhin] Kasaysayan
Nagmula ang pangalan ng Lungsod ng Mandaluyong sa Tagalog mga daluy. Ito ay batay sa maraming matatagkad na damo na dating tumutubo dito, ang mga damo ay parang dumadaloy sa hangin.
[baguhin] Mga baranggay
Ang Mandaluyong ay nahahati sa 27 na baranggay.
|
|
[baguhin] Mga lingk palabas
- Ang opisyal na homepage ng Pamahalaang Panlungsod ng Mandaluyong (sa wikang Ingles)
- Mandaluyong.info - Mandaluyong City Aggregated News and Information (sa wikang Ingles)
Mga lungsod at Bayan ng Kalakhang Maynila | |
Mga lungsod: | Caloocan | Las Piñas | Makati | Malabon | Mandaluyong | Maynila | Marikina | Muntinlupa | Parañaque | Pasay | Pasig | Lungsod Quezon | Taguig | Valenzuela |
Mga munisipalidad: | Navotas | Pateros | San Juan |