Wikang Sugboanon
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang wikang Sugboanon (Cebuano: Sinugboanon; Kastila: idioma cebuano) ay isang wikang Austronesian na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 33 milyong tao at nasa ilalim o kasapi ng pangkat ng mga wikang Bisaya. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu, na hinulapi ng Kastilang -ano (nangangahulugang likas, o isang lugar). May tatlong letrang kodigo ito sa ISO 639-2 na ceb, ngunit walang ISO 639-1 na dalawang letrang kodigo.
Mga nilalaman |
[baguhin] Balarila
[baguhin] Mga panghalip
Absolutive | Ergative₁ (pagkatapos ng salita) |
Ergative₂ (bago ng salita) |
Oblique | |
---|---|---|---|---|
Pang-isahang 1st-person | ako, ko (Tagalog: ako) | nako, ko (ko) | akong (aking) | kanako, nako (sa akin) |
Pang-isahang 2nd-person | ikaw, ka (ikaw) | nimo, mo (mo) | imong (iyong) | kanimo, nimo (sa iyo) |
Pang-isahang 3rd-person | siya | niya | iyang (kaniyang) | kaniya, niya (sa kaniya) |
Pammaramihang inclusive 1st-person | kita, ta (tayo) | nato (natin) | atong (ating) | kanato, nato (sa atin) |
Pammaramihang exclusive 1st-person | kami, mi (kami) | namo (namin) | among (aming) | kanamo, namo (sa amin) |
Pammaramihang 2nd-person | kamo, mo (kayo) | ninyo | inyong | kaninyo, ninyo (sa inyo) |
Pammaramihang 3nd-person | sila | nila | ilang (kanilang) | kanila, nila (sa kanila) |
[baguhin] Talasalitaan at Hiniram na salita
Ang Cebuano ay nanghiram ng mga salita sa Wikang Kastila, tulad ng krus [cruz], swerte [suerte] at brilyante [brillante]. Marami rin itong nahiram na salita sa Ingles. Mayroon din na galing sa salitang Arabo.
[baguhin] Pamamahaging Heograpikal
Ang Cebuano ay katutubong sinasalita ng mga naninirahan sa Cebu, Bohol, Negros Oriental at sa ilang bahagi ng Leyte at Samar at sa kabuuan ng Mindanao. Ito ay sinasalita rin sa iilang bayan at isila ng Samar. At hanggang 1975, nalagpasan ng Cebuano ang Wikang Tagalog sa dami ng katutubong nagsasalita nito. Ang ibang diyalekto ng cebuano ay nabibigyan ng iba't ibang pangalan ang wika. Ang mga naninirahan sa Bohol ay tinatawag itong Bol-anon samantalang sa mga tapagsalita ng Cebuano sa Leyte ay tinatawag naman itong Kana.
[baguhin] Mga Salita at Palirala
[baguhin] Numbers
Cardinal | Ordinal | |
---|---|---|
1 | usà | úna |
2 | duhà | ika-duhà |
3 | tulò | ika-tulò |
4 | upàt | ika-upàt |
5 | limà | ika-limà |
6 | unòm | ika-unòm |
7 | pitò | ika-pitò |
8 | walò | ika-walò |
9 | siyàm | ika-siyàm |
10 | napú'ô | ika-napú'ô |
11 | napú'ô'g usá/napulo'g/napulo ug usá | ika-napú'ô'g usá/napulo'g/napulo ug usá |
20 | kawhaan | |
30 | katlo-an | |
100 | usa ka gatos | |
1000 | usa ka libo | |
100,000 | usa ka gatos ka libo | |
500,000 | lima ka gatos ka libo/tunga sa milyon | |
1000000 | usa ka milyon |
[baguhin] Mga lingk palabas
[baguhin] Mga online na kurso
[baguhin] Mga diksyonaryo
- Bidirectional English-Cebuano Dictionary, mula sa Foreignword
- Philippine Online Dictionary, mula sa Bohol.ph
- German-Tagalog-Cebuano-English Dictionary, ni Richard Tschumpel
[baguhin] Mga talahulugan
- English-Cebuano Glossary, mula sa Language Links