Agosto 2005
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Hul – Agosto – Set | ||||||
LU | MA | MI | HU | BI | SA | LI |
1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 |
8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 |
15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 |
22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 |
29 | 30 | 31 | 1 | 2 | 3 | 4 |
2005 Kalendaryo |
[baguhin] Agosto 1, 2005
- Namatay si Haring Fahd ng Saudi Arabia sa isang ospital sa edad na 83. Pinaniniwalaan na di magandang ang kanyang kalasugan at nakapasok sa ospital noong Mayo 27 na may acute pneumonia. Si Kinironang Prinsipe Abdullah, na naging epektibong regent sa maraming taon, ang pumalit sa trono. Ang Ministro ng Depensa na si Sultan bin Abdul Aziz ang Prinsipeng Sultan ang magiging bagong Kinironang Prinsipe. (Wikinews) (Reuters) (Al-Jazeera)
- Susuportahan ng Pilipinas ang bansang Hapon para magkaroon ng permanenteng pwesto sa UN Security Council. (mb.com.ph)
[baguhin] Agosto 3, 2005
- Naging pang-anim na Presidente ng Iran si Mahmoud Ahmadinejad, kapalit ni Mohammad Khatami. (IRNA) (Al-Jazeera) (Reuters)
[baguhin] Agosto 4, 2005
- Sa Singapore, may isang pahayag na idineklera ang araw ng eleksyon sa Agosto 27, kasama ang araw ng nominasyon sa Agosto 17. (CNA)
- Iniutos ng Kamara de Represante ng Pilipinas na arestuhin si Virgilio Garcillano pagkatapos nitong di siputin ang pagdinig ng Kamara tungkol sa "Hello Garci" tape. (inq7.net)
- Pinagsabihan ni Charo Santos-Concio ang mga staff ng The Buzz sa panayam nito sa aktres na si Rosanna Roces dahil sa pagbibintang ni Roces sa pagbububog ng anak ni Senador Bong Revilla sa anak ng aktres. (inq7.net)
[baguhin] Agosto 5, 2005
- Inuulat ng isang arkeologong taga-Israel, na nagtratrabaho sa silangang Jerusalem, ang isang palasyo na tinatayang nagmula noong ika-10 siglo BC at inaakalang kay Haring David. NY Times, (International Herald Tribune), (Washington Times), (Houston Chronicle), (Taipei Times)
- Namatay si dating senador Raul Roco sa sakit na prostate cancer sa St. Luke's Medical Center sa Lungsod Quezon. Ililibing siya sa kanyang bayan sa Lungsod Naga, Camarines Sur. inq7.net
[baguhin] Agosto 8, 2005
- Ipinagpatuloy ng Iran ang kanyang programang nukleyar sa pasilidad nitong uranium na malapit sa lungsod ng Isfahan. (BBC)
- Pangkalahatang mapayapa ang eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Pilipinas ayon kay Benjamin Abalos, ang pinunong Komisyoner ng Comelec. (inq7.net)
[baguhin] Agosto 9, 2005
- Nakalapag nang maaayos ang Space Shuttle Discovery sa Edwards Air Force Base sa California na kinukumpleto ang misyon ng STS-114. (BBC)
[baguhin] Agosto 10, 2005
- Niyanig ng dalawang magkasunod na pagbomba ang Lungsod ng Zamboanga na may 24 na katao ang nasugatan. (inq7.net)
[baguhin] Agosto 13, 2005
- Papalabas na ng Pilipinas ang bagyong si Huaning, patungong katimogang pampang ng Tsina. Sa kabila nito, ayon sa PAGASA nakataas pa rin ang "Signal No. 2" sa ilang lalawigan sa Rehiyon ng Ilocos. (inq7.net)
[baguhin] Agosto 14, 2005
- Sumumpa si Kurmanbek Bakiyev bilang bagong pangulo ng Kyrgyzstan pagkatapos manalo ng 90 bahagdan sa isang eleksyon na layun maghanap ng kapalit kay Askar Akayev na pinatalsik noong Marso.(Reuters)
[baguhin] Agosto 16, 2005
- Nagbukas ang Pandaigdigang Araw ng Kabataan o World Youth Day sa Cologne, Alemanya. Inaasahang may isang milyong Katolikong kabataaan ang dadalo habang isisagawa ni Papa Benedicto XVI ang kanyang unang apostolikong paglalakbay. (SD)
[baguhin] Agosto 18, 2005
- Hindi sinangayunan ng mga mambabatas ng Kongreso ng Pilipinas na bigyan ng mga espesyal na kapangyarihan (emergency powers) ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang lutasin ang krisis sa pagtaas ng halaga ng langis. (inq7.net)
[baguhin] Agosto 22, 2005
- Ipinahayag ng punong ministro ng Israel na si Ari’el Sharon na palalawakin ang kasalukuyang malaking bahagi ng mga paninirahang Israeli sa West Bank. (WikiNews)
- Nag-umpisa ang pagrehistro ng mga botante sa silangang bahagi ng Demokratikong Republika ng Congo na nawasak ng digmaan, nauna ito sa binalak na pangkalahatang eleksyon. (BBC)
[baguhin] Agosto 24, 2005
- Humingi ng paumanhin ang telebanghelista at dating kandidato sa pagka-pangulo sa Estados Unidos na si Pat Robertson sa sinabi niyang pagpaslang kay Pangulong Hugo Chavez ng Venezuela. (Financial Times)
[baguhin] Agosto 25, 2005
- Pupunta ng Saudi Arabia ang Pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo upang makipagpulong kay Haring Abdullah at pag-usapan ang tungkol sa isyu ng mataas na halaga ng langis. (inq7.net)
[baguhin] Agosto 27, 2005
- Binanggit ng Malakanyang ang Microsoft Philippines sa paglikha ng higit-kumulang na 30,000 trabaho sa Pilipinas dahil sa kanilang 300 milyong pisong kaloob pang-teknolohiya. (mb.com.ph)
- Bumama daw ang mga kaso ng dengue sa Pilipinas, ayon kay Francisco Duque III, ang Kalihim ng Kalusugan. (inq7.net)
- Ayon sa survey ng Social Weather Stations, mahigit sa kalahati ng mga residente ng Kalakhang Maynila (68%) ang sang-ayon sa pagpapatuloy ng impeachment para kay Pangulong Arroyo upang malutas ang krisis politikal na kinakaharap ngayon ng Pilipinas. (philstar.com)
[baguhin] Agosto 28, 2005
- Pormal na humingi ng tawad ang pamahalaang Tseko mula sa kanilang mga kababayang etnikong Aleman sa kanilang mga kamaliang-gawa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong sinakop ng Alemanya ang Czechoslovakia (Reuters).
- Inaalala ang Araw ng mga Bayani sa Libingan ng mga Bayani, Taguig na dinaluhan ng mga Pilipinong beterano sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. (inq7.net)
- 28 katao ang nasugatan sa pagsabog MV Doña Ramona, isang sasakyang pandagat, sa Lamitan, Basilan at hinihinalang kagagawan ng Abu Sayyaf. (inq7.net)
[baguhin] Agosto 29, 2005
- Ayon sa punong ministro ng Israel na si Ari’el Sharon, hindi raw angkop na mamuno si Benjamin Netanyahu ng isang bansa tulad ng Israel (Haaretz, 3:56 p.m. GMT).
[baguhin] Agosto 30, 2005
- Inihayag ni Benjamin Netanyahu ang kanyang pagtakbo bilang tagapangulo ng Likud at bilang kandidato ng partido sa pagkapunong ministro ng Israel (Haaretz).
- Nagdulot ng kalituhan at irritasyon, partikular na sa sektor pannegosyo, ang pagdeklara ng pamahalaan ng Pilipinas ng Araw ng mga Bayani bilang nonworking holiday pagkatapos nitong sabihin kahapon na magiging working holiday ito (Reuters).
- Ipinatawag ng dating punong ministro ng Israel na si Ehud Barak ang mga ministro ng ha‘Avoda na tumatakbo sa pagkapangulo ng partido na magkaisa at suportahin ang kasalukuyang tagapagpangulong si Shim‘on Peres bilang kandidato ng partido sa pagkapunong ministro (Haaretz, 8:56 p.m. GMT).
[baguhin] Agosto 31, 2005
- Hindi kukulang ng 965 katao ang namatay sa isang stampede (kaguluhan ng mga tao) sa Baghdad, Iraq. (Sydney Morning Herald), (Al Jazeera),(BBC), (Wikinews)
- Sabi ng alkalde ng New Orleans, Estados Unidos na si Ray Nagin na marahil sandaan o sanlibo ang mga namatay sa lungsod sanhi ng matinding unos na si Katrina. (AP via MyWay)
- Pinatay ng komité ng katurungan ng Mababang Kapulungan ang orihinal na impeachment complaint ng abogadong si Oliver Lozano laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (philstar.com)